by Joey Sarmiento
PAGPASOK na pagpasok pa lang ni Marian Ri-vera sa press conference ng ‘08 MMFF entry ng Regal Films na Desperadas 2, nahalata na ng ma-raming entertainment reporters na mayroong bu-mabagabag sa kanyang kalooban.
Of course, maliban ‘yon sa sakit niyang na-raramdaman dahil sa na-pilay na paa sa shooting naman ng isa pa niyang ‘08 MMFF entry, also from Regal, ang Shake, Rattle and Roll 10.
Nang magpaalam sina Rufa Mae Quinto at Ogie Alcasid (mga bida rin sa Desperadas 2) dahil mayroon pa silang taping pa-ra sa Bubble Gang, biglang sumingit ang isang movie reporter at deretsahang tinanong si Ma-rian kung totoo ang tsismis na buntis siya.
“Hindi po ako buntis,” mariing pahayag ni
Marian matapos ang ilang pasakalye.
Nang ikuwento niya kung papaano lumalim ang isyu, at naikabit ang pangalan ng dating girlfriend ni Dingdong na si Karylle, nagsimula nang umiyak si Marian.
“Sa isang interbyu po sa kanya (Karylle), nang tanungin siya tungkol sa isyu, puwede naman niyang sabihin na hindi totoong nabuntis ako ni Dingdong.
“Pero, ang ginawa niya, ngumiti lang siya na para bang alam ni- yang totoo ang tsismis.
“Masakit po ‘yon sa akin dahil parang natapakan ako nang walang kalaban-laban.
“Sa ganda ng takbo ng career ko ngayon, bata pa ako at wala pa sa panahon na magpabuntis sa kung kaninong lalaki, hindi po ako gaga na papasok sa ganung sitwas-yon,” nagngingitngit na wika ni Marian habang umiiyak.
“Kung totoo man pong kami na ni Dingdong, puwede naman kaming mag-ingat para hindi ako dumating sa ganung sitwas-yon,” aniya pa.
(Napakahaba pa ng mga pang-yayari tung-kol sa iyakan blues ni Ma-rian sa press con ng Desperadas 2. Pero bukas na namin ipagpapatuloy ang pagtalakay rito dahil kapos po kami ng espasyo. -- Ed.)
Marian Rivera umiyak sa presscon ng Desperadas 2
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)