by Jerry Olea
Sa guesting ni Karylle noong Linggo sa The Buzz, ngumiti lang siya nang tanungin ni Boy Abunda kaugnay sa tsismis na buntis si Marian Rivera.
Sa presscon ng Desperadas II kahapon sa Imperial Palace Suites, tinalakan ng beteranong manunulat na si Ernie Pecho si Marian, “Plastikada ka!”
Makalipas ang ilang minuto ay inusisa si Marian sa tsismis na buntis siya.
“Pwede bang smile na lang din ang isagot ko?” sabi ni Marian.
“Hindi ako buntis. Masyadong maraming blessings na dumarating sa akin, hindi ko hahayaang mangyari ‘yan sa buhay ko.
“Hindi ako bata! Hindi ako tanga! Hindi ko pababayaang mangyari sa akin ‘yan! Mahal ko ang career ko.
“If ever, five years from now, mabuntis ako, ako mismo ang magsasabi sa inyo.
“Hindi ko idadaan sa pa-smile-smile!” lumuluhang pahayag ni Marian.
Sino ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis niya?
“Hindi ko po alam, eh. Pero sa tanong, sinasabi, si Dingdong (Dantes).
“Hindi po ako buntis!”
Baka ang manager niyang si Popoy Caritativo ang ama?
“Ayoko!” mabilis na bulalas ni Marian.
Nasaktan ba siya sa tsismis?
“Nu’ng lumabas ‘yun… ‘yung malalapit sa buhay ko, nagtawagan.
“Okey lang ang mga sagot nu’ng isa sa interview. Ang problema, ‘yung huling sagot ng isa.
“Para sa akin, may malisya.
“Pwedeng sumagot na, ‘Hindi ko alam.’ Dahil kung ako ang tinanong tungkol sa isang babae kung ano man, ang isasagot ko, ‘Hindi ko alam, wala ako sa posisyon.’
“Ngumiti lang siya.
“Inaamin ko, na-offend ako! Nasaktan ako!
“Pwede niyang isagot na hindi!
“Kung ‘yun ang paraan niya para mapag-usapan, pagbibigyan ko siya.
“Kung ikaliligaya niya na makatapak ng tao, makasakit ng damdamin…
“Hindi ako buntis.
“If ever na buntis ako, sasabihin ko.
“Yun po, na-offend po ako! Nasaktan ako!”
Iyon daw ngiti ni Karylle, pinalalabas na nagse-sex sina Marian at Dingdong…
“If ever may relasyon ako sa sino mang tao, aaminin ko.
“Kahit sino pa ‘yung tao, magiging proud ako!” sambit pa ni Marian.
Marian, nasaktan sa ngiti ni Karylle
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)