Photobucket

'Mahal ko ang career ko' -- Marian

by Nitz Miralles

Agad umalis si Marian Rivera pagkatapos ng press­con ng Desperadas 2 kung saan, umiyak siya sa harap ng press habang itinangging buntis siya at si Dingdong Dantes daw ang ama. Bago uma­­lis, nag-sorry muna ito sa mga kasama niya sa pelikula dahil alam na sa kanya ang focus ng presscon.

Nauna na siyang nag-sorry sa late na pagdating dahil galing siya sa doctor niya sa Medical City for her check-up. Masaya pa naman ito dahil bukas, Wednesday, aa­lisin na ang cast sa kanang paa niya. Yun nga lang, bawal siyang magsuot ng high heels for one month.



Nagpaiyak kay Marian ang tanong kung buntis siya at sa naging reaction ni Karylle nang tanungin about the issue sa The Buzz. Bago yun, sumama na ang timpla ng ac­tress nang sabihang ‘Tupperware’ at ‘plastic’ ni Ernie Pecho dahil sa experience raw ng friend nitong professor na nagpapirma kay Marian.

Na-build-up na lang ang emotion nito sa tanong ni Jun Nardo kung buntis siya at tuluyang napaiyak habang sinasagot ang isyu.

Sagot nito: “Ano ang gusto n’yong sagot, yung nakangiti rin ako? Seriously, hindi ako buntis at napakaraming blessings na dumarating sa buhay ko, ’di ko hahayaang masira. Hindi na ako bata at ’di ako tanga para maging pabaya. Mahal ko ang career ko at pinaghirapan ko ito. Kung buntis ako, ako mismo ang magsasabi at ’di ko idadaan sa pa-smile-smile.”

Hindi man binanggit ang pangalan ni Karylle, obvious na siya ang tinutukoy ni Marian sa sinabing may malisya ang reaction nito nang tanungin ni Boy Abunda sa buntis isyu.

“Puwede namang sumagot siya ng ‘hindi ko alam’ o wala ako sa posisyon para sumagot, pero ngumiti lang siya at nabitin ang sagot niya. Aaminin ko, na-offend ako at nasaktan dahil puwede namang hindi siya sumagot. Kung yun ang paraan niya para pag-usapan, pababayaan ko na lang. Kailangan niya yun. Inuulit ko, if ever buntis ako, ako mismo, sasabihin ko sa inyo. Nahihiya ako sa mga kasama ko sa movie, na-offend talaga ako.”

Ganito naman sinagot ni Marian ang tanong na kung nag-sex na ba sila ni Dingdong para sabihing buntis na siya: “If ever magkaroon ako ng relasyon kung sinuman, aaminin ko dahil kahit sino ang boyfriend ko, naging proud ako.”

Bukas, presscon naman ng Shake, Rattle & Roll X (bida si Marian sa Nieves episode) and hopefully, as of today, makadalo siya sa presscon at umaasang hindi na maulit ang nangyari sa presscon ng Desperadas 2.

* * *

Tinanong si Ruffa Gutierrez kung feeling ba niya ay sinadya ni Marian na umiyak sa presscon para sa kanya na ma-focus ang attention ng press. Inalam din sa kanya kung offending ba talaga ang smile ni Karylle nang tanungin ni Boy Abunda kung buntis si Marian at si Dingdong ang nakabuntis.

“Hindi ko napanood ang interview kay Karylle at ’di ako makakapag-comment. I have to review the tape kung ano ba talaga ang smile na ’yon.”

Tama ba ang reaction ni Marian sa smile ni Karylle?

“Iba-iba ang interpretation natin sa smile, it just so happen na si Karylle ang na-interview. Hindi kasalanan ng The Buzz yun. Naawa ako kay Marian dahil nakita ko the way she expressed herself, straight from her heart talaga,” sabi ni Ruffa.

Dahil sa nangyari, nagbiro si Ruffa na lifestyle o kaya cooking show na lang ang kanyang iho-host para walang issue at intriga. Kung sa kanya nangyari ang nangyari kay Marian, ’di raw siya iiyak dahil palaban siya.

Feeling ba niya natabunan sila ni Marian sa pag-iyak nito?

“Sobra naman kayo. Gusto n’yong umiyak din ako? Basta, masaya ang movie namin at tuloy ang premiere night namin sa December 19, sa SM Megamall,” pagpa-plug na lang ni Ruffa.

blog comments powered by Disqus