By Ruel Mendoza
NAGPAPASALAMAT ang manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo sa mga suporta na natatanggap nila mula sa maraming tao.
Sabi ni Popoy, mas marami raw ang naniniwala na karapatan ng kanyang alaga na ipagtanggol ang kanyang sa rili, kesa naman sa manahimik ito.
Sabi pa ni Popoy, si Marian raw ang tipo ng tao na hangga’t kayang magtiis ay nagtitiis, pero kapag sobra na ay sumasabog na ito.
Sa presscon nga ng Desperadas 2 ay hindi na raw kinaya ni Marian ang mabigat na nararamdaman nito, kaya nagsa lita na ito.
“Ganyan naman ang batang ‘yan. Matiisin ‘yan. Pero kapag sobrang bigat na, nilalabas na niya. Kasi baka makaapek to sa trabaho niya. Mas okey ‘yung ilabas niya at iiyak niya kesa naman sa kimkimin niya ng matagal.
“Ngayon, Marian is okay. She’s back working na at maayos na ang lahat sa kanya. Nailabas na niya, eh. Pinagdara sal na lang namin ang mga taong iyon. Knowing Marian, hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakasakit ng ibang tao,” sabi ni Popoy.
Tungkol naman sa ginawa ng isang beteranong manunulat, na kung saan ay harap-harapan nitong sinabihan si Marian na “plastikada” sa presscon ng Desperadas 2, tinanong na raw niya ito sa kanyang alaga.
Pero, sabi raw ni Marian, wala siyang natatandaan na nambastos siya o namlastik siya ng isang manunulat o taga-media.
“Clueless siya at wala siyang matandaan na may nagawan siya nang hindi maganda. Inaamin ko na luka-luka minsan ang batang ‘yan, pero hindi siya bastos. Marunong siyang magpakita ng respeto dahil ‘yun ang turo sa kanya ng lola niya.
“Kung anuman iyon, sana hindi na lang sa presscon ginawa. Puwede naman niyang kausapin si Marian ng personal at hindi ‘yung hihiyain mo ang tao sa marami.
“I felt bad, kasi wala ako roon. Pero alam naman ni Marian kung paano ipagtanggol ang sarili niya,” sabi na lang ni Popoy.
Marian,luka-luka minsan
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)