By Rey Pumaloy
IDINADAAN na lang ni Marian Rivera sa mga ngiti ang sunud-sunod na intriga sa buhay niya. Tulad na lang nu’ng tsismis na diumano ay pinagsuplada han niya ang mga emple yado ng isang kumpanya na pinuntahan niya sa Davao kamakailan lang.
Sabi, tinanggihan ni Marian ang mga empleyado na magpakuha ng picture na kasama siya, at nagpanggap pa raw itong pilay para makaiwas sa mga fans na nag-aabang sa kanya.
“Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga tsismis na `yan. In fact, tumawag nga sa akin ang mga tao sa company na pinuntahan ko sa Davao, at sinabi nila sa akin na huwag ko raw pansinin ang mga tsismis, dahil hindi `yon totoo!
“Natutuwa naman ako, kasi sila na mismo ang nagtatanggol sa akin,” nakangiting sabi ni Marian.
“Pero, naloloka lang ako, kasi nga sabay-sabay at magkakasunod ang mga intriga sa akin. Ano ba ang ginawa ko? He! He! He! He!” masayang dugtong pa ni Marian.
Sabi pa ni Marian, sa susunod na taon ay mas plano niyang pagbutihan ang kanyang trabaho. At plano rin niyang deadmahin ang mga intriga na sa tingin niya ay hindi na kapatul-patol sa kanya. Mas maganda raw na manahimik na lang siya, lalo na at hindi naman makakatulong sa kanya.
Anyway, ayaw na ring mag-react ni Marian tungkol sa paliwanag ni Karylle sa The Buzz kamakailan, tungkol sa ginawa nitong pagngiti sa tanong kung totoong buntis nga si Marian.
“Ayoko na talagang mag-comment pa tungkol doon. Tapos na ‘yon, kaya huwag na lang na*ting balikan pa,” sabi ni Marian.
Teka, bakit nga ba panay ang ngiti ngayon ni Marian? Ginagaya ba niya si Karylle na ngiti lang ang sagot sa kontrobersyal na tanong?
“Happy kasi ako, kasi bukod sa ginawa kong bagong commercial, ako uli ang napiling endorser ng Happee toothpaste!” nakangiting sagot niya.
Nilinaw na rin ni Ma rian ang mga intri gang
ibinabato sa kanila ni
Angel Locsin, lalo na `yung pagkakakuha sa kanya bilang endorser ng Jag Jeans, na unang ini-endorse ni Angel.
Natuwa si Marian nang malaman niya ang magandang komento ni Angel tungkol sa kanya.
“Wala naman talaga kaming isyu ni Angel. Ginagawan lang kami ng isyu,” sambit ni Marian.
Anyway, puring-puri nga ng mga manunulat ang performance ni Marian sa Shake, Rattle & Roll X, sa episode na Nieves.
Marami nga ang naaliw kay Marian, dahil bukod sa pagtataray, nagpatawa, nagdrama, at nagpaka-jologs talaga siya sa pelikula.
Marian, naloloka na sa sunud-sunod na intriga
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)