By Jun Nardo
SINORPRESA ni Marian Rivera ang grupo ng entertainment press na nagdaos ng Christmas party na ginanap last Sunday sa Baliwag Grill.
Tinodo niya ang pagbisita sa naturang party, at nagpa-raffle pa siya ng cash worth P30 thousand, huh!
Eh, nag-enjoy ang isa sa stars ng Desperadas 2, dahil kahit iilan lang ang kakilala niya sa grupong `yon, nagtagal din siya ng ilang minuto.
Of course, walang kapalit na hiningi si Marian sa pagbisita niya sa grupo ng entertainment wri ters. At kahit na may mga writers na may mga disgusto sa kanya, hindi raw ibig sabihin noon ay tatalikuran na niya ang pakikisama sa mga manunulat na kilala niya at nakatulong sa kanya.
Marian knows how to look back, lalo na sa mga taong naging bahagi ng tagumpay niya bilang artista. Basta kailangan ng mga taong ito ang kanyang serbisyo, walang perang kapalit ang presence niya.
Sabi nga, marunong tumanaw ng utang na loob si Marian sa mga nakatulong sa kanya.
Sabi nga ni Marian, kung kaya niyang pakitu nguhan ang lahat ay gagawin niya. In this business nga lang, you cannot please everybody!
Marian, marunong tumanaw ng utang na loob
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)