By Nitz Miralles
Dumalo si Marian Rivera sa Christmas party ng ENPRESS o Entertainment Press Society at nag-enjoy ito sa biro at pang-iintriga ng writers.
Pero hindi na sinagot ang isyu sa kanila ni Karylle para matapos na.
Nagpapasalamat siya kay Kris Aquino sa pagtatanggol nito sa kanya sa The Buzz at sabi’y may mga kaibigan pa rin pala siya.
Pati ’yung isyu sa Davao, ayaw nang pahabain ni Marian at hintayin na lang na ang mga taga-Phoenix ang magsalita.
Sa gabi ng party, kasama niya ang PA na sabi’y kanyang inaway.
Nag-thank you rin si Marian sa mga pumuri sa kanya sa Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X, lalo na ’yung nagsabing puwedeng full movie ang episode na ’yon, puwedeng pahabain pati ’yung love story nila ni Adonis (Pekto).
Samantala, naurong sa January 6, 2009 ang taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil kailangang magaling na ang kanang paa ni Marian. Malikot ang character niya sa soap, umaakyat ng mga puno at takbo nang takbo at may fight scene pa yata.
For her next movie naman, kung ’di magbabago ang casting, baka sina Dennis Trillo at Gabby Concepcion ang makasama niya at co-produced uli ito ng Regal at GMA Films
Marian, nagpasalamat kay Kris
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)