Photobucket

Image projection ni Dingdong makasisira sa kanyang showbiz career dream

By Ed De Leon

KUNG iisipin, hindi na maganda sa image ni Dingdong Dantes bilang isang artista ang nangyayari ngayon.

Maaaring ang akala ng iba ay mas naipo-pro-ject niya ang kanyang machismo dahil lumalabas na pinag-aagawan si-ya ngayon ng dalawang naggagandahang babae, -- Karylle at Marian Ri-vera -- pero mukhang bad image projection ito, eh!

Noong una ay natanggap ng publiko, kahit na malabo rin ang kanilang paliwanag, ang pag-split nila ni Antoinette Taus. In fact lumabas nga noon na wala ring kamalay-malay si Karylle (na that time ay girlfriend na ni Dingdong), at wala ring alam si Antoinette na break na sila ni Dingdong at may bago na itong nob-ya.


Ang paniwala ni Antoinette noon ay sila pa rin ni Dingdong, dahil wa-la naman silang formal break-up.

Ngayon, ganoon na na-man ang style ni Dingdong.

Kahit na nga sinasa-bing si Karylle ang talagang na-kipag-split sa maga-ling na aktor, maliwa-nag sa usap-usapan na kaya naghamon ng ‘hiwala-yan’ si Karylle dahil sa ilang ma-sasakit na bagay na ginawa sa kanya ng boyfriend.

At kahit na nga anong denial ang gawin nina Dingdong Dantes at Ma-rian Rivera sa isyung mayroon na silang relas-yon, walang maniwala dahil lahat halos ng mga taong malalapit sa kanila ay nagsasabing totoong sila na nga.

Sa sitwasyong iyan, luma-labas na si Dingdong talaga ang may problema. Na talagang playboy si Dingdong. Na oras na ayaw na niya sa girl- friend, iiwanan na lang niya ito nang walang ‘formal closure.’

Hindi kami magtataka kung isang araw ay uma-tungal ng iyak naman itong si Marian at doon lang niya aamining may relasyon nga sila at iniwan na siya dahil may iba na naman itong (Dingdong) girlfriend.

* * *

MISTULANG ipinamumukha na ni Dingdong Dantes sa lahat, particularly sa dating kasinta-han niyang si Karylle, na mas mahalaga talaga sa kanya si Marian Rivera.

Bakit namin nasabi ito?

Kasi, sa premiere night ng ‘08 MMFF entry ng Regal Films na Shake, Rattle & Roll X na isa si Marian sa mga bida, ka-ray-karay ng aktres si Dingdong.

At ito namang Dingdong, tipong labis pang naliligayahan na pinagka-kaguluhan silang dalawa ng media sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll X.

Isang statement ng lo-yalty kay Marian ang ginawa ni Dingdong nang pumayag siyang maging ‘escort’ ni Marian sa said premiere night.

By the way, si Marian ang bida sa episode ng Shake, Rattle & Roll X na Nieves, na siyang pinakapaboritong episode ng mga nanood na showbiz press.

blog comments powered by Disqus