By Abu Tilamzik
DUMALO si Dingdong Dantes sa opening ng bagong branch ng Posh Nails sa Jupiter Av., Makati na pag-aari ni Cat Ilacad at nagpaunlak ito ng interview sa Startalk tungkol sa hidwaan nina Marian Rivera at Karylle.
Sandaling napag-usapan daw nila ito ni Marian at pinayuhan na lang daw niya itong hayaan na lang at tapusin na ang isyu nila ni Karylle.
Inaasahan daw niyang may darating pang mas malalang intriga kaya sinasanay na niya ang sarili sa ganu’ng sitwasyon.
“Basta ako, I’ll just stick to the truth. Lalabas din naman kung ano ang totoo,” pahayag ng aktor.
Apektado rin daw siya minsan dahil nadadamay siya sa buntis issue kay Marian pero hindi na lang daw niya ito iniisip dahil wala namang katotohanan.
“Ganu’n naman talaga. eh. Kaya ako, hinahayaan ko na lang,” patuloy nito.
Ayaw niyang mag-comment sa ngiting sagot ni Karylle sa tanong kung buntis si Marian dahil hindi niya ito napanood. May mga nag-text daw sa kanya pero ayaw niyang magkomento dahil mabuting makita niya ang interbyung iyun at baka may sarili siyang interpretasyon sa sagot na iyun ni Karylle.
Wala na raw silang komunikasyon ng dating kasintahan at ang huling kumustahan nila ay nung magkita sila nang dalawang beses sa Las Vegas, Nevada.
Mas focused daw siya ngayon sa trabaho at starting next year, puspusan na raw ang pagpapayat niya dahil kailangan maganda ang katawan nito sa bagong serye nila ni Marian na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
Medyo may pagka-aksyon itong gagawin nila kaya kailangan fit siya at magpapagaling din si Marian ng paa.
Mapapanood sa Startalk bukas ang pagkikita ni Dingdong at executives ng E Entertainment.
Malapit na raw mapanood ang feature ng 25 Sexiest Man of the World kung saan nasa pangatlong puwesto siya.
May isang reporter pala na nagtanong kay Dingdong kung ano ba ang relasyon nila ni Marian.
“Ayokong maglagay ng label, eh. Basta, okay kami at kung ano man ito tutuloy, bahala na. Basta, masaya naman kaming dalawa.”
Marian, pinayuhan ni Dingdong sa buntisan issue
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)