Photobucket

Dingdong sinuportahan si Marian sa ‘SR&RX’ preem

By Nitz Miralles

Present sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll X si Dingdong Dantes bilang suporta sa favorite leading lady niyang si Marian Rivera, na bida sa Nieves episode ng horror trilogy.

Tiyak na nag-enjoy din ang actor sa kalukahan ng actress sa role ng isang engkanto slayer, dahil parang hindi ito umarte at feel na feel yumakap kay Pekto, na gumaganap na asawa niya.



Nagustuhan ni Marian ang script at wala siyang keber kahit ipinalit siya kay Eugene Domingo.

May mga eksenang kinunan na naka-cast pa ang kanang paa nito dahil natapilok, pero hindi makikita sa movie ’yon dahil binura.

blog comments powered by Disqus