About Showbiz Ni Nitz Miralles December 22, 2008
Dumating si Dingdong Dantes sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll X para suportahan si Marian Rivera na bida sa Nieves episode ng pelikula. Naunang pumasok sa Cinema 3 ang actor, pero malakas na palakpak ang sumalubong sa kanya. After the preview, nakita namin silang magkatabi sa upuan at pinagkakaguluhan ng TV reporters.
Present din si Rhian Ramos na sumuporta naman sa ka-MU niyang si JC de Vera na tampok sa Emergency episode with Roxanne Guinoo. Pumikit kaya si Rhian sa kissing scene nina JC at Roxanne?
Isa sa mga bida ng Class Picture episode si Jean Garcia na dumating kasama ang anak na si Kotaro. Kinumusta namin ang puso ng actress at okey naman daw at sa biro namin kung sino ang nagpapasaya sa kanya at sa puso niya ngayon, “marami sila” ang sagot.
Nagmamadali lang si Jean at gustong kumain ni Kotaro, hindi na namin nausisa kung totoong isa sa manliligaw niya ngayon ay si Jojo Manlongat na ex nina Angelu de Leon at Sunshine Dizon. Nakalimutan din namin siyang tanungin kung totoong nagkita sila ng ex niyang si Polo Ravales sa isang bar at kung saan, kasama ng actor ang ex nitong si Sunshine.
Puno ng fear factor ang Emergency at Class Picture, kaya sigawan nang sigawan ang tao sa premiere night. Comedy at pambata ang Nieves episode at puwede pala ang tambalan nina Marian at Pekto.
Dingdong, dumalo sa premiere night ng movie ni Marian!
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)