Photobucket

Talk of the Town ang Karylle-Marian issue

By Chan-Chan Torres

TALK of the town ang isyu kina Karylle at Ma-rian Rivera.

Never-ending drama ito ng dalawang babaing nauugnay sa buhay ni Dingdong Dantes.

Nagsimula ang lahat ng isyu at intriga nang sagutin ng isang ngiti lang ni Karylle ang ta-nong kung totoong buntis ba si Marian. At ang ama ay si Dingdong? Makahulugan ang na-ging ngiting ‘yon ni Karylle kaya matapos ang panayam ng singer/ stage actress sa The Buzz, marami agad ang nag-react at nagdudang malamang ay nasa family way nga si Marian.



Sa presscon ng Desperadas 2 kung saan isa sa mga bida ang GMA-7 jewel, nagkaroon ng ten-syon at drama dahil napa-iyak si Marian --nang ta-nungin tungkol sa‘pa-smile effect’ ni Karylle -- at sinabing hindi siya buntis. Nasasaktan daw si Marian sa mga sinasabi laban sa kanya.

Well, parehong nagdaramdam at parehong pusong sugatan sina Marian at Karylle.

Si Karylle ang pusong iniwan. Woman scorned and nasa process of men-ding her heart.

Si Marian, ang babaing pinagbibintangan at hinuhusgahan. Masakit din sa kanya ang mga na-tatanggap na panlalait at intriga.

Sa kaganapang ito, si Dingdong, isa siyang Adonis, huh!

Well, sana ay magkaroon ng closure ang istor-yang ito nina Dingdong, Marian at Karylle. Pero, sa tingin ng marami, nagsisimula pa lang ang giye-ra sa pagitan ng dalawang babae sa buhay ni Dingdong Dantes.Dasal lang namin, ceasefire muna sila ngayon dahil Christmas season. Next year na lang sila magbangayan.

blog comments powered by Disqus