by dongyanatics.multiply.com
Nang tanungin si Marian Rivera sa presscon ng 'Desperadas 2' kung totoo nga bang buntis siya, isa lang ang sagot ng dalaga: 'Hindi ako buntis.'
Press conference ng Desperadas 2 kaninang tanghali ng matanong si Marian Rivera tungkol sa isyung umiikot na buntis daw siya.
"Anong gusto niyong isagot ko diyan? Daanin ko rin sa smile para controversial ako?" pabirong sagot ni Marian nung una. "Seriously, hindi ako buntis. Okay?
stars"Hindi ako buntis at napakadami kong blessings; napakadami kong blessings na dumarating sa buhay ko at hindi ko hahayaang mangyari sa buhay ko 'yun. At saka, masyado pang maaga para mangyari 'yan. At hindi na ako bata. At lalong hindi ako tanga para maging pabaya ako. At sisiguraduhin ko na nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin dito sa showbiz dahil mahal na mahal ko 'yung career ko, pinaghirapan ko ito ng gusto."
Dagdag pa ng dalaga, "If ever man, in five years [or] in three years, na mabuntis ako, ako mismo ang magsasabi sa inyo, at hindi ko dadaanin sa pa-smile-smile 'yun."
Nang tanungin si Marian tungkol sa hypothetical father, nakuha pa nitong magbiro muli sa suggestion na baka si Popoy Caritativo ang ama ng hypothetical niyang anak: "Si Popoy? Ayoko!"
Pero hindi na rin naiwasan ng dalaga na maluha nang ipilit pa rin ang isyu sa kanya. "Noong lumabas 'yan, 'yung mga malapit sa buhay ko, tumawag sila sa akin. Talagang tumawag sila na okay daw 'yung mga sagot noong isa—'yung problema lang 'yung huling sagot niya."
Noong linggo, nag-guest ang dating ka-relasyon ni Dingdong Dantes sa isang programa sa kalabang istasyon kung saan ngumiti lamang ang dalaga ng matanong kung buntis ba raw si Marian.
"Para sa akin kasi may malisya," sagot ni Marian sa kung ano ang naramdaman niya ng makarating sa kanya ang balita. "Puede naman kasing sumagot siya na 'Hindi ko alam.' Dahil kung ako ang tatanungin kung may babaeng nabuntis o kung anuman, sasabihin ko nang hindi ko alam. O wala ako sa posisyon para sagutin 'yan.
"Pero 'yung ngumiti lang siya na parang nambibitin siya, aaminin ko sa inyo, na-offend ako. Nasaktan po ako. Na-offend ako kasi puede naman siyang sumagot na hindi eh. Bakit kailangan ganoon 'yung sagot niya? Bahala na ang Diyos sa kanila. Basta ako, ayaw ko nang magsalita."
At para matapos na ang mga tanong, nagpahayag na si Marian ng: "Pasensya na po kayo, ayaw ko na po magsalita dahil nakakahiya po sa mga kasama ko dito. Imbis na Desperadas po 'yung pagusapan, ito po 'yung pinag-uusapan. Yun lang po—na-offend ako, nasaktan po ako.
Marian Rivera: 'Hindi ako buntis.'
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)