Photobucket

Marian at Dingdong, hiwalay sa Bagong Taon

By Abu Tilamzik

Ayaw naman ni Marian Rivera na sabihin sa amin kung anong regalo ang natanggap niya mula kay Dingdong Dantes. Nag-exchange gifts na raw sila, pero mabuting sa kanila na lang daw iyun.

Nagpapasalamat lang si Marian dahil naramdaman daw niya ang suporta ng kanyang leading man sa gitna ng mga isyung hinarap niya.


Siyanga pala, pagkatapos ng parada ay tumuloy na si Marian sa Cavite, at sa kanyang lola siya nag-Pasko.

Nagbatian na raw sila ni Dingdong, pero sa telepono lang at hindi na raw sila nagkita.

Nakatakdang pumunta sa Boracay si Dingdong at ang buong pamilya niya para doon salubungin ang Bagong Taon.

Hindi raw kasama si Marian sa lakad nila.

blog comments powered by Disqus