ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
December 28, 2008
Tinupad ni Dingdong Dantes ang ipinangakong ang pamilya ang kanyang kasama ng Christmas at New Year. Nasa Boracay ang actor ngayon with his whole family, pero bago mag-New Year, babalik na sila ng Manila para rito mag-Bagong Taon.
Ilang araw ding nakapag-pahinga si Dingdong at tama lang ito dahil sa January 6, 2009, magsisimula na silang mag-taping ni Marian Rivera ng bago nilang soap na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Sabi, si Dingdong daw ang title-role ng soap at hindi ang actress at siguro naman, okey lang ito kay Marian dahil siya ang title-role sa pinagtambalan nilang Marimar at Dyesebel.
Hindi pa successful ang press na diskubrihin ang regalo sa isa’t isa nina Dingdong at Marian, pero sa kakulitan at resourceful ng press, pasasaan ba’t malalaman din kung ang iniregalo nila sa isa’t isa.
Siyanga pala, si Dingdong kaya ang na-blind item na na-fall out of love kay Karylle kaya nakipag-break dito at hindi dahil may third party sa kanilang relasyon? Ayaw na nga lang magsalita ng actor tungkol sa kanila ng ex-girlfriend, kaya hindi natin malalaman ang totoo.
Hindi nagtagumpay ang press na diskubrihin ang regalo nina Dingdong at Marian sa isat-isa!
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)