by Jun Nardo
KINUKUNDENA ng mga fans ni Marian Rivera mula sa Amerika, Middle East at Metro Manila si Karylle, matapos nilang mapanood ang pag-iyak ng idolo nila sa TV nu’ng presscon ng Desperadas 2.
Galit ang reaksyon nila sa e-mails na aming natanggap na ipinararating din ang todu-todong suporta para sa kanilang idolo.
Sa ginawang pagbuhos ng sama ng loob ni Marian kay Karylle, dahil sa buntis isyu, muli niyang pinatunayan ang kanyang pagiging Kabitenya na isang palaban!
Ipinakita niya ang pagiging palaban niya nu’ng naging pasaway ang isang lalaki sa taping nila ng Dyesebel at ipinalabas sa YouTube ang pangyayaring ‘yon.
Naging palaban din siya nang pagbintangan siyang inagaw si Dingdong Dantes kay Karylle nu’ng kasagsagan ng promo ng One True Love. Now, here comes the buntis isyu. Naging matapang siya sa pagsabing na-offend siya sa sagot ni Karylle. Na masama ang loob niya sa ex-girlfriend ni Dingdong. Na, of course, may nagkagustong reporters sa sagot at iyak niya, at meron din namang naartehan o naplastikan.
At least, naging vocal si Marian sa feelings niya at hindi na nag-inarte pa, huh! Totoo mang tao o plastic sa iba si Marian, pagdating sa trabaho, nananaig ang pagmamahal niya rito na siyang dahilan kung bakit nananatili pa rin ang pagiging mainit niya sa publiko, huh!
Siyanga pala, bukod sa Desperadas 2, kasali rin si Marian sa pelikulang Shake, Rattle & Roll X, sa episode na Nieves.
Fans ni Marian, galit na galit kay Karylle
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)