Photobucket

Dingdong Dantes on No. 3 ranking in E!'s Sexiest List: "Sobrang flattered ako at sobrang thankful!"

by Rose Garcia

Tuesday, December 23, 2008

Last Sunday, December 21, sa Showbiz Central ay nagkaroon ng taped interview kay Dingdong Dantes. Kasabay nito ang pagpapakita ng ilang video clips sa episode ng E! Television for their 25 Sexiest Men of the World special, kung saan pumangatlo ang Filipino actor.



"Sobrang flattered ako at sobrang thankful sa E! for giving me this recognition," nakangiting sabi ni Dingdong. "Something na never kong na-imagine noong nag-umpisa ako rito sa showbiz. Ngayong nandiyan na ‘yan, you have to make the most out of it. Salamat, salamat! Isang bagay ito na hindi ko makakalimutan."



Ang bagay na ito ay ni sa pangarap ay hindi man lang sumagi sa isipan ni Dingdong, pero nangyari sa kanya. Obviously, it is a proof that Dingdong has made a tremendous mark in the industry.



Ayon kay Dingdong, wala siyang idea at all noong una na may ranking pa pala after niyang mapasama sa Top 25 list.



"Alam ko naman dati pa yung 25," sabi niya. "Hindi ko lang alam yung ranking. Actually, hindi naman ako masyadong particular sa magiging position ko ro'n. Noong malaman ko nga na No. 3 pa, sobrang nakakatuwa!"



Hindi rin daw halos makapaniwala si Dingdong na napabilang siya sa mga listahan kahanay nina David Beckham (No. 1) at Johnny Depp (No. 8).



"Siyempre, these are people na may mga different achievements sa mga larangan nila. Nirerespeto ko kung saan sila galing, kung ano ang ginagawa nila. Siguro, gaya ko, hindi rin nila ko masyadong kilala at hindi ko rin sila kilala personally, but I'm glad to be part of that group," saad ni Dingdong.



Masaya si Dingdong dahil masaya rin para sa kanya ang mga malalapit na kaibigan dahil sa recognition na natanggap. Ang ka-love team niya na si Marian Rivera raw ay mas nauna pang nakaalam ng ranking niya kesa sa kanya.



"In fact, alam na niya, may nagsabi sa kanya. Hindi niya sinasabi sa akin. Kaya noong i-announce, isa siya sa tuwang-tuwa at sabi nga niya, ‘Sabi ko sa ‘yo, e!' Nakakatuwa kasi nandoon siya sa special na moment na yun. She makes it more memorable."



LOOKING FORWARD. Sa napakaraming mga bagay at pangyayaring naganap sa kanya sa taong 2008, what he can do is to only look forward to more blessings next year.



"Na-achieve, siyempre marami," aniya. "Pero alam ko na marami pa akong dapat na gawin sa industriyang ito. At sana, unti-unti, ma-accomplish ko siya, which is nagagawa ko naman at sana sa 2009, mas maging maganda pa."



Pagpasok ng taong 2009, ang unang pagkakaabalahan ni Dingdong ay ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang upcoming primetime series nila ni Marian sa GMA-7.



"Excited ako for Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos na pagkatapos ng New Year, yun agad ang gagawin namin kaya I'm excited preparing for that," ani Dingdong.



May mensahe rin si Dingdong para sa lahat ng sumusuporta sa kanya ngayong Kapaskuhan.



"Merry Christmas and Happy New Year! Lahat kayo ay naging bahagi ng memorable 2008 para sa akin kung kaya't lahat kayo, hindi ko kayo makakalimutan."

blog comments powered by Disqus